Sa pagitan ng aking paghihintay

Sa pagitan ng aking paghihintay, 3 beses kitang nakilala.

Sa unang pagkakataon, nakita kita nakatingin …
nakatitig …
nakatitig sa mga mata
mga matang binabalot ng takot at pangamba
mga takot na hindi ko alam san hinuhugot
mga takot na tila pinulot …
pinulot sa mga pagkakamali,
sa mga pangakong nabali,
sa tiwalang nasira, sa pusong wala ng natira.
Habang patuloy kitang tinititigan,
saka mo ako nginitian…
Ngiting ipinilit
Pinipilit kahit masakit
hanggang sa sinabing, kaya pa!
Kaya ko pa…
Kaya sa unang pagkakataon, hinangaan kita

Nagkita tayo sa ikalawang pagkakataon
At sa pagkakataong ito, hindi kita nakilala
Tila may pagbabago na sa iyong mga mata
Ang dating mga takot
Mga takot at pangamba
Ngayon ay wala na…
Nilapitan kita dahil gusto kong malaman
Pagod ka na ba?
Pagod sa mga pagkakamaling paulit ulit
Sa mga pangakong ikaw mismo ang bumali
O dahil ba pagod ka na sa pagtitiwala
Pagtitiwalang hindi ka na muling masasaktan pa…?
Ngunit ng ika’y makita,
Ako ay napuno ng pagtataka.
Ang iyong mga ngiti ay nariyan pa,
Abot pa rin nito ang mga tala…
Pero may pagbabago at tila ito ay malabo
Ang sabi mo nasaktan ka
Paulit ulit pa…
Pero bakit ang sabi mo,
Pinatawad ko na sila…
At sa pagkakataong ito,
…nirespeto kita.

At sa ikatlo at huling pagkakataon, nakilala kitang muli
Ang iyong mga ngiti
hindi na maaring mabali
Ang iyong mga sambit ay tila nauulit
Nauulit ang mga
Okay lang…
Di bale na…
Sige sa susunod…
Wala yon…
Ako pa ba…
Ito’y iyong sinasambit kahit pa muling maranasan ang sakit.
Dahil alam mong sa isang saglit
Ikaw ay nabuo ng mga sariling pagkakamali
Ng mga pangakong nabali at binali
Ng tiwalang nawala at muling nahanap
Ng pusong nawasak at ngayon ay buo na.
Dahil sa pagitan ng aking paghihintay…
Sa pagkakataong ito, tinatanggap kita…
Ng buong buo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s